Presidential Address on Protecting Filipino Families Amid Global Oil Price Increases
Magandang hapon sa inyong lahat. Magandang hapon sa mga nagsusubaybay sa atin ngayon.
Nandito po tayo upang makapagbigay ako ng karagdagang report tungkol sa mga ginagawa ng ating pamahalaan sa harap ng hamon ng nangyayari dahil sa giyera sa Gitnang Silangan.
Kasabay niyan dahil nagka-giyera, dahil nasara nga ‘yung tinatawag na Strait of Hormuz at hindi makadaan ang mga barko na nagdadala ng langis, lalong-lalo na dito sa Asya ay nagtaasan ang presyo ng petrolyo at lahat ng produkto ng petrolyo.
Kaya kailangan na… Mula noong nagsimula, nagsimula ito February 28. February… The next day ay nag-meeting – nag-mi-meeting na kami. Sinimulan na namin, sabi namin tiyak ito. Kahit – umakyat kaagad ang presyo ng langis kaya sabi namin hanggat may giyera, itong presyo ng langis ay mananatiling mataas.
Kaya mahihirapan ngayon ang taong-bayan dahil alam naman natin ‘pag tumaas ang presyo ng langis ay malaking perwisyo sa ating mga kababayan at sa lahat ng bagay. Kaya gumawa kami ng plano kung ano ang mga kailangang gawin upang pagaanin naman ang magiging epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.
Kaya simulan ko sa mga bagay dahil although mayroon tayong mga report, nakita naman ninyo ako ay pumunta sa PITX sa terminal para kausapin ang mga bus operators, magbigay ng kaunting tulong sa kanila upang naman – hindi naman masyadong itataas ang pamasahe. At nakapagbigay na rin tayo sa mga transport workers ng mga tulong.
Kaya para makumpleto lamang ang kaalaman ng ating mga kababayan, kaya’t ako nandito upang mai-report sa inyong lahat kung ano na ang aming ginagawa.
Ang nagawa na natin, unang-una, ang unang naming pinag-aalala ay ang ating mga OFW. Dahil talaga sila – nasa lugar sila ng giyera mismo. Kaya delikado ang kanilang seguridad at delikado ang kanilang buhay. Hindi lamang ang kanilang hanapbuhay, kundi mismo ang buhay nila.
Kaya mabuti na lang at maganda ang relasyon natin sa mga Middle East countries kung saan nandoon ang karamihan ng Pilipinong nagtatrabaho. Mabuti na lang at maganda ang relasyon natin at kinakaibigan natin silang lahat at very appreciative ang mga host countries sa ating mga workers dahil nga sinasabi nila napakagaling at napakaganda ang kanilang ginagawa, ay nakipag-ugnayan tayo sa kanila kaagad at tiniyak sa atin na ang seguridad ng ating mga OFW ay kanilang binabantayan at tinitiyak nila na ang ating mga OFW ay hindi malagay sa alanganin.
Unfortunately, kahit na sa lahat ng ating nagawa, noong unang ilang araw pa lang, nagkaroon tayo ng casualty sa Israel dahil kagaya nung nangyari noong nakaraan, sila ay tumutulong sa kanilang alaga at sa kakatulong sa kanilang alaga, naabutan ng bomba at papunta sila sa bomb shelter
Nabuhay ‘yung caregiver – nasawi naman ang caregiver na Pilipina. So ‘yun ang una nating naging casualty.
At patuloy naman ang aming ugnayan at para sinasabi – kasi maraming nagpaplano, puwede kami, lulusot kami, aalis kami.
At sinabi ko kaagad sa kanila, ‘wag muna dahil hindi natin alam ang sitwasyon. Makinig tayo sa mga local authorities, ‘yung mga tiga-doon, ang mga pamahalaan nila. At magtanong tayo, kailan ba safe na makalabas? Kailan ba lilipad ulit ang mga eroplano? Kailan ba kami makapag-charter ng eroplano upang maiuwi ang aming mga kababayan na nagnanais umuwi?
At sa pag-ugnayan na ‘yan ay dahan-dahan nakagawa tayo ng sistema para maiuwi ang ating mga kababayan na nagnanais umuwi.
Mayroon pa rin talaga na sinasabi na hindi naman daw nila – ang pakiramdam naman nila ay safe naman daw sila. At sige, nasa sa kanila ‘yun.
Ngunit ‘yung mga iba ay talagang naririnig na raw ‘yung bomba. Malapit doon sa kanilang tirahan. ‘Yung kwento nung mga nakausap ko, ‘yung mga nakauwi, ganoon na nga. Nakakaawa ‘yung mga mas may edad na, lalong-lalo na ‘yung mga malilit na bata. Dahil siyempre kahit anong mangyari nakaka-trauma ‘yun. Ang mahirap sa bata – kahit tayo, tayo kaya natin maintindihan kung ano ‘yung nangyayari. Kaya natin ipaliwanag. This is what’s happening. May giyera dahil sa ganito. Kapag bata, ang hirap maipaliwanag basta’t natatakot na lang sila.
And so this is the problem that we were facing. So this was the initial problem and this is the first – the first concern that we addressed.
And since the time that we have set up the systems for repatriation, we have already – nakauwi na ang mahigit 2,000 OFW, mahigit 16,000 na ang nakatanggap ng tulong. Ito sa pamamagitan ng pagkain, ng tirahan, medical care, transportasyon, financial support. Ito ang mga nakauwi.
Mayroon din tayong ibinibigay doon sa ating mga kababayan na nandoon pa rin at nangangailangan ng ating tulong.
At hindi natin ititigil ito. Patuloy ito ang ating pagpauwi ng ating mga kababayan. At nakaapat na tayo na charter flight na nakauwi.
At ito ay hindi lamang galing sa isang lugar. Kung hindi pinupuntahan ito sa iba’t ibang bansa. Nagkikita-kita sila sa isang lugar, sabay sasakay ng eroplano bago iuwi dito sa Pilipinas.
Patuloy na… Patuloy natin ginagawa ito at hindi pa kumpleto sa 2,000 na naiuwi natin. Kulang pa. Mayroon pang mga gustong umuwi pa.
At sila naman ay dahan-dahan ay ginagawa namin ng paraan upang umuwi. Ang mahirap ay ang pag-charter ng eroplano at saka ang paglipat kahit ‘yung by land. Noong araw sinabi ko sa kanila huwag kayong basta’t magsasarili.
Dahil kung mag-convoy kayo, ‘pag nasa 10,000 feet ‘yung aeroplano, hindi nila malaman kung ‘yun ba ay mga militar o ‘yun ba ay sibilyan. Baka magka-problema, magka-misencounter kung tawagin.
Kaya ngayon, tinitiyak natin na lahat ng movement ay cleared by the local authorities para lahat sila ay maging safe. At ito ay patuloy nating ginagawa. We are chartering flights.
We are now, we started with one a week. We will start to accelerate that to two a week. Depende talaga kung kailan nila sasabihin sa atin na maaari na magpalipad. At mayroon iba diyan na sumasakay sa commercial. Mayroon ‘yung iba sinasakyan ‘yung ating mga chartered na aeroplano.
And we will continue to do this until the war ends or until we have repatriated all of our nationals back home here to the Philippines.
And now we have… The next part of the challenge that we were facing was the supply and the pricing of petroleum products.
Kaya ang una naming tiniyak ay – ang unang tanong ko sa Department of Energy, ano ba ang stock natin ng diesel, ng gasolina, ng kerosene, ng jet fuel?
At ito ay binigay sa atin. Marami sa inyo ay nakita naman ninyo ‘yung unang report kung ilan ang supply natin.
At ang instruction ko sa kanila, huwag niyong titigilan. Maghanap kayo pa ng supply dahil hindi natin alam kung gaano katagal pa ito.
At ‘pag sasabihin natin, we have — now we are talking about 45 days on average more or less. Pero hindi natin alam how long this will last, how long the supply is going to be diminished from the Middle East to the Strait of Hormuz.
So our authorities are all continuing to find new sources for the supply. First of all, what we tried to do was to ensure that the contracts that we already had would be honored.
Halimbawa, may kontrata tayo na mag-import tayo ng ilang bariles ng langis, ng diesel, ng kung ano. Kung ito ba, tinitiyak ko, tiyakin natin na patuloy na makakarating talaga ito sa Pilipinas.
Noong unang ilang araw, hindi kami masagot ng mga supplier natin ng oil and petroleum products dahil hindi rin nila alam kung ano ‘yung nangyayari. At ‘yun na nga, pati ‘yung presyo hindi nila maibigay.
Ngunit dahan-dahan sa patuloy na ating pagtatawag, sa patuloy sa ating pag-ugnay sa kanila at gumawa tayo ng mga bagong sistema para makarating ang langis dito, ay tuloy-tuloy naman ay nasuplayan tayo.
And we are not stopping. Although the average now is running at 45 days supply. Siyempre iba-iba, but the average is 45 days. Hindi natin tinitigilan.
And again, I credit the success of this ensuring the supply to the good relations that we have with our partner countries around the world.
And we have not only gone to the oil suppliers, the traditional oil suppliers, we have tried to explore other sources that are not affected by the war that is ongoing in the Middle East.
And it would be premature to say that we have perfected contracts with them. But I think it’s sufficient to say that things are beginning to open up.
And although we cannot be assured right now of the supply, we can be sure that at least for 45 days we will be all right. I think that we can be fairly confident – we can be confident that after the 45 days, we still have already arrived here in the Philippines. We will have already a flow of oil, not just one delivery, not just two deliveries but a flow of petroleum and petroleum-related products.
Right now, because of the situation, lahat hinihingi natin. Humihingi tayo ng krudo, crude oil.
We are asking… We will find – if we can find it dahil mayroon naman tayong refinery. Nandiyan naman ang Petron that can refine it.
Gasolina, diesel – diesel siyempre ang pinakaimportante para dito sa Pilipinas. At ang jet fuel – kerosene at saka jet fuel para patuloy ang lipad ng mga eroplano.
So we are continuing to do this. We will not stop. We will not stop this process so that we will ensure the supply of petroleum and petroleum products to the Philippines.
And right now, I’m very confident in saying that we have sufficient supply. We will continue to source those supplies.
And I do not think that there is a problem. Sa aming analysis, wala tayong problema para sa supply ng petrolyo at saka ng mga petroleum products.
Ang isang napakalaking nangyari ay ang pagtaas ng presyo ng langis. Ito ay talagang mahirap natin sagutin at gawan ng paraan dahil wala tayong control diyan.
Oil will do what it will do. The markets will behave in the way that they behave. No one, not even the producers have control over the world price of oil.
All that we can do is to compensate our people and to support our people so that they have some assistance in the face of this.
So, ang ating mga – nagpatupad tayo ng mga ilang inisiyatibo upang matulungan ang ating mga kababayan.
Para sa lahat na sumasakay sa mga transport system natin ay nagsimula tayo, nagbigay tayo ng libreng sakay. Mayroon tayong 50% na discount sa LRT-2 at MRT-3 para sa lahat ng commuter.
Binawasan na rin ng CAAP ang terminal at aeronautical fee para maging mas mura ang pamasahe sa eroplano.
Para naman sa ating mga tsuper, namamahagi tayo ng cash assistance sa 120,000 na na tricycle driver at TNVS drivers.
Nagbigay din tayo ng toll discount para sa mga jeepney, para sa mga bus, at para sa mga truck.
Para naman sa pagkain, dahil siyempre inaalala din natin na huwag sumabay ang presyuhan ng pagkain ay pinalawak natin ang 20-peso rice program sa 627 centers na binuksan natin na nakabukas sa buong bansa.
At kasama diyan, bukas ang mga Kadiwa para sa makabili naman ‘yung mga nangangailangan ng murang bilihin ng pagkain.
Patuloy din ang ating ibinibigay sa ating mga magsasaka: ang fuel at fertilizer subsidies para sa mga magsasaka at saka para sa mga mangingisda para hindi ipasa ‘yung pagtaas ng presyo ng kanilang ginagamit na krudo, hindi mapasa lahat sa mga consumer.
At sumagot na ang ating mga manufacturer na hindi sila magtataas ng presyo ng pangunahing bilihin sa ngayon. At hanggat kaya, nangako naman sila hanggat kaya nila na i-maintain ang presyo… Kasi ang ipinagbibili ngayon nila ay ‘yung nasa imbentaryo na nila na nabili nila nang mura pa bago pa nangyari lahat ito.
Kaya’t habang nandiyan ang kanilang imbentaryo, nangako sila na hindi nila itataas
ang presyo ng mga primary commodities.
Magsisimula na rin na magbigay ang ating mga LGU ng libreng bigas. Ito ay nagsimula ‘yung LGSF program ito. Nagsimula ito bago pa nagkagiyera. Pero iro-roll out ito within the next week or two.
So ginamit natin diyan ang LGSF, the Local Government Support Fund. At diniretso natin sa ating mga local government para sila na ang magbibigay ng tulong.
Ang programang ito ay nagbibigay tayo sa bawat LGU ng pondo at ang hinihingi lang namin sa kanila na minimum 50% ng LGSF
fund na natatanggap nila ay gawing pambili ng bigas para maipamigay sa kanilang mga constituent.
Maaari nilang gawin 100% na bigas nasa sa kanila ‘yun. Ngunit kailangan at the minimum 50% doon sa natanggap nilang pondo ay gagamitin sa pagbili at pagbigay ng bigas.
Sa supply naman ng fertilizer, dahil as you know, urea is a petroleum product. So that is a refined product na nanggagaling sa petrolyo din. Tuloy-tuloy.
Iyong mga nagsu-supply sa atin ay nakikipag-usap din tayo. At tinitiyak natin na mayroon tayong fertilizer supply. At gumagawa nga tayo ng mga pamamaraan at mga kontrata para tiyakin na mayroon tayong sapat na fertilizer supply.
Ang report sa akin ng Department of Agriculture, as of today, we have sufficient fertilizer supply for the next planting. So at least until the next planting, we have the sufficient amount of urea and potash. Those are the main fertilizers that we are using.
Para naman sa agricultural products – dahil nga inaalala natin ang presyo ng pagkain – para naman sa agricultural products, piso na lang ang RoRo terminal fee para sa mga truck at sasakyang nagdadala ng mga agricultural product.
Nakipag-ugnayan din tayo sa Kongreso upang mabawasan at alisin na ang excise tax sa langis. ‘Yun po ang batas na hiningi natin sa unang-una.
Natapos na ang kanilang pag-aaral doon sa batas na ‘yan at nasa amin na. At siguro by the end of today, I will be able to sign that into law already.
Ngayon, titingnan ngayon natin kailan ang pinakamagandang oras, pinakamagandang – when is the best time to use that new authority because there are conditions within the law that have to be satisfied. But nonetheless, we are trying to determine…
Because ang mahirap talaga dito is pabago-bago ang presyo. Alam naman ninyong lahat. Paggising niyo sa umaga, iba na naman ang presyo.
May pronouncement na nanggaling sa US, bababa ang presyo. Tapos mamaya nang kaunti, tataas na naman. So, mahirap talaga magplano.
And that is why we are going… And that is why we have been trying to find the optimum levels in terms of support, in terms of the suspension of some of the charges that the government exacts, especially from food products.
Ito lahat ito ay ginawa na natin since, as I said, day one pa lang. Day one pa lang noong nabalitaan namin na nagbomba, ang una naming inalala ang ating mga OFW. Miniting (meeting) ko na ang OWWA. Miniting (meeting) ko na ang Department of Migrant Workers.
Kinausap ng DFA ang ating mga embassy at ‘yan ang una nating ginawa. Sumunod doon ang pagtiyak ng supply ng ating petroleum products at sumunod na doon ang ating pagbantay sa presyo ng pagkain upang hindi naman sumunod doon sa world price ng petrolyo.
Ngayon, nabalitaan – nasa balita, balitang-balita na kahapon nagdeklara kami ng energy emergency.
And dahil nakikita nga natin ang mga kaguluhan na nangyari dito sa giyera sa Middle East at ang ruta ng supply ng langis sa buong mundo ay naapektuhan.
Ang Strait of Hormuz, matagal niyo — madalas niyo nang marinig ang Strait of Hormuz. At kung tingnan ninyo sa mapa, doon dumadaan ang mga langis ng 20 – more or less 20 percent ng lahat ng world supply ng oil products dahil oil producing countries ang mga Gulf countries. So doon dumadaan lahat.
Karamihan ng dumadaan na langis sa Strait of Hormuz papunta rito sa Asya. Kaya ang Asya ang pinaka… Sa pagsara ng Strait of Hormuz, ang Asya ang pinakamabigat ang tama.
At tayo, bilang — dahil wala tayong langis at karamihan, halos lahat ng langis ay ating ini-import. At karamihan diyan ay doon galing, eh kailangan natin maghanda kung ito ay lalala pa at tatagal pa.
Malinaw ang salitang ginamit natin, “energy emergency.” Hindi ito emergency ng pangkalahatan. It is a very specific and a very precise emergency. It is an emergency of the energy sector, the supply of energy and the prices of energy.
Dahil ang pinagmulan ng problema ay ang suplay at ang presyo ang enerhiya, at ‘yun ang kailangan naming tugunan na diretso, na direkta agad.
That is why we declared not a general state of emergency but a state of energy emergency. I would like to stress that point that it is the energy sector that we need to declare as an emergency sector because of the war in the Middle East.
I want to assure everyone that this does not mean that we should panic. It means that we are doing everything that we can to assess and to alleviate the situation.
It is a precautionary tool so that we are ready for whatever comes next. Because lahat ng kaya natin, all the options that have been available to us, we are now exercising.
In terms of the subsidies, fuel subsidies, cuts in fees in our ports, cuts in charges, and again, the continued workings of our government to talk to other governments and to talk to even the private sector. The private sector partners have a lot to play, have a big role to play in all of this.
We have done all of those things that have – all those options that have been available to us.
The reason that I declared an energy emergency is to provide government with more options should the need arise.
Binibigyan nito ang ating pamahalaan ang mga kapangyarihan kumilos nang mas mabilis, bumili ng langis ng hindi na kailangan na dumaan pa sa matagal na proseso, at pagsamahin ang lahat ng ahensya sa isang direksyon.
Those are the authorities and the powers that we might need in the future and we would like to have available to us.
Nakikipag-ugnayan din tayo sa Kongreso. [I’m sorry, I’m looking at the wrong page.]
Itinatag ng EO 110 which is the executive order that I signed yesterday ang UPLIFT. Ito ang aming unified command na aking personal na pinamumunuan. I am the chairman of this working group.
Kasama natin ang ES, ang Executive Secretary, mga kalihim ng Department of Energy, Department of Transport, ang DSWD, ang Department of Agriculture, ang Department of Finance, ang DEPDev, at of course ang DBM.
At sabay-sabay ang galaw ng buong pamahalaan para mabilis, para malinaw, at walang ahensyang mag-iisang laban lamang. Lahat ay nagtutulungan.
Everything is before… I’m sure you will ask questions or some people will say what are the – what are we thinking about this? Are we thinking about that? Are we going to do this? Are we going to do that?
The best way I have to answer that questions, nothing is off the table. We are looking at everything. Everything that we can do.
And so whatever suggestion that has been brought to us, whatever idea that we have come up with, we are examining it very, very closely in great detail to see if it is going to be advantageous to our people.
Dahil kung minsan, ‘pag tinatanong natin, dahil ang tanong, hindi kung ito ay maaaring gawin, kung ito ay posible. Kundi kung ito ba ang pinakamabilis at pinakaepektibong makakatulong sa taong-bayan.
So every suggestion, every idea that has been brought to us, that we have come up with, we look at it in detail and we say, ito ba ay mararamdaman kaagad ng taong-bayan? And that is an important criterion.
Dahil sa mga kapangyarihan na ibinigay ng Executive Order 110, mas marami na tayong magagawa at mas mabilis na ang magiging aksyon ng pamahalaan.
Mapapabilis ng Department of Energy ang pagbili ng langis mula sa ibang bansa. Paiitingin natin ang aksyon laban sa hoarding at sa mga nagsasamantala, hindi lang sa langis kundi sa lahat ng pangunahing produkto.
I think we made that warning very early on na huwag mag-hoarding at huwag mag-price gouging. Huwag silang nagsasamantala dito sa sitwasyon. And we will enforce that rule very, very strongly.
And again, to those who are thinking about it, hindi niyo na kailangan gawin because we have a sufficient supply of oil, we have sufficient supply of food.
So sa pagkain, sa pamasahe, lahat po ito ay maaari nating tingnan.
Today, halimbawa, maaari nang makialam ang pamahalaan sa supply at presyo ng kuryente para hindi ito masyadong magmahal. Dahil that’s the authority that the EO in its declaration of an energy emergency provides the executive.
Beginning today, over 1.4 million drivers and units will start receiving fuel and financial assistance on top of the 120,000 who have already been served by the DSWD.
Abangan din ninyo ang TUPAD Para sa mga Tsuper at pinaigting natin na service contracting para sa ating transport sector.
Again, these are supports that we are hoping to bring, that we are going to bring to those who are most affected by this situation.
Nais kong maging malinaw tungkol sa aming prayoridad. Hindi natin kontrolado ang presyo ng langis sa mundo. Iyan ang katotohanan na ating hinaharap.
Ngunit ang hindi maaaring mangyari ay maramdaman ng bawat Pilipino ang buong bigat nitong mga pangyayari na wala naman silang kinalaman.
Isa lamang ang aming pamantayan: agaran, pinakamabilis, at direktang mararamdaman ng ordinaryong Pilipino. Hindi bukas, hindi sa susunod na linggo, ngayon.
Sa pagkain, sa pamasahe, sa kuryente, sa araw-araw na gastos ng pamilya, ‘yan ang mga hakbang na aming inuuna.
Para sa ating mga kababayan, ito po ang ginagawa ng inyong pamahalaan.
Maraming salamat po.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
— END —