Message of President Ferdinand R. Marcos Jr. to Presidential Scholars
Good morning sa ating Presidential Scholars at mabuti naman ay nadatnan namin pa ‘yung inyong orientation.
At ito ang aming bagong programa para matulungan kayong mga estudyante, lalong-lalong na dinadaan namin ang pondo sa barangay, tigda-dalawang daan libo… Mamaya ipapaliwanag ko pati.
Mamaya – ay PhP200,000 kada barangay, PhP100,000 nun gagamitin para sa inyo. Tigte-PhP20,000 ang bawat presidential scholars.
So, bawat barangay, makakatulong tayo ng limang scholar which will… With approximately 42,000 barangays in the Philippines, lampas-lampas na ng 200,000 ang magiging presidential scholar.
Kaya’t napaka-importante ng programang ito para sa akin at sa lahat ng pamahalaan dahil sa aming palagay, talagang kahit lahat ng mga programa na ginagawa ng government, sa local, sa national, ay pagka hindi maganda ang training at ang ating mga kabataan, ay hindi rin magiging successful, hindi rin magiging matagumpay ‘yung ating mga ginagawa. Kaya’t kailangan na namin kayo.
Ang sabi ko nga doon sa isang grupo ng presidential scholar, kailangan ‘pag natapos na kami… Ito ‘yung mga nakikita mo rito, ‘pag natapos na kami, kailangan ready na kayo kaya’t kailangang mag-aral kayo nang mabuti.
At lagi ko ngang sinasabi at idinidiin sa ating mga scholar, mag-aral kayo mabuti, masipag kayo mag-aral dahil ang edukasyon, ang magandang edukasyon ay isang napakalaking kayamanan na dala-dala na ninyo.
At kahit ano pang mangyari sa buhay ninyo, hindi ito puwedeng kunin sa inyo, hindi ito puwedeng agawin sa inyo, hindi ito puwedeng nakawin sa inyo.
At ito ay tutulong sa inyo para tulungan ang inyong sarili, ang inyong mga pamilya, magiging pamilya, and of course, also your community.
So, good luck, work hard, and the government is here to support you.
Sige, magandang umaga.
[applause]
— END —