Message of President Ferdinand R. Marcos Jr. to Presidential Scholars
Magandang umaga. Magandang umaga.
[Upo muna kayo.]
Magandang umaga sa inyong lahat.
At nandito lang kami para – well, batiin kayong lahat ngayon ang tawag ay mga presidential scholar.
Paano kayo naging presidential scholar? Naging presidential scholar kayo dahil mayroon kaming programa na nagbababa ng pondo sa ating mga barangay – barangay officials.
At ang halaga nito ay PhP200,000 bawat barangay. ‘Yung hiningi lang namin sa mga barangay official na ‘yung kalahati nun, ‘yung PhP100,000, ay gagamitin para magbigay ng scholarship.
Bawat barangay, mamimili ng lima na presidential scholar at bibigyan ng tigti-PhP20,000. ‘Yan ang programa. Kaya lahat ng nabigyan ay ‘yun na nga eh kayo na ‘yun, ay naging presidential scholar.
Ang sinabi ko sa kanila, ang suggestion ko lang sa kanila na dapat hanapin nila ‘yung mga malapit nang magtapos. Pero baka hindi magtapos dahil nga kulang sa pambayad, whatever, kailangan magtrabaho. Whatever the reason is, ito ‘yung tulong para naman makapag-graduate ‘yung ating mga kabataan. Dahil napakahalaga na magkaroon kayo nang magandang pinag-aralan.
A good education is a gift that cannot be taken away from you. ‘Yan ang aking laging sinasabi.
At ito ay napakahalaga dahil alam naman natin, pagka maganda ang training, pagka maganda ang napag-aralan, ay maliwanag na maliwanag eh marami kayong magagawa upang tulungan ang inyong sarili, para tulungan ninyo ang mga pamilya ninyo, tulungan ninyo ang Pilipinas. Mararamdaman ng Pilipinas ‘yan. Sa buong Pilipinas ‘yan.
Kaya napakaganda nito dahil sa 42,000 plus na barangay, tiglilimang scholar ‘yan, eh labis sa 200,000 ang mabibigyan natin ng tulong na scholar.
And that is important because lagi ko namang iniisip eh kaming mga nakaupo ngayon, ‘di forever ito eh. Yeah, darating ang panahon, nandiyan kayo, kayo na ang magpapatakbo ng lahat, ng mga negosyo, ng mga sa gobyerno. At mabuti naman, pagka nagka – masabi natin na nakapag-aral kayo nang mabuti, maganda ang inyong edukasyo ay ready na kayo.
Ready na kayo para dito sa bagong challenge na ihaharap sa inyo.
Pagka tumawag sa inyo – when your country calls for your duty to the country… And pagka sinabi ko ‘yung duty to the country, hindi ibig sabihin gobyerno lang ‘yan. Kung ano man, at – it is important that you are very ready. And that is why it is important that you get a good education. Kaya naman ‘yan ang ating ginagawa.
At sinasabi ko sa lahat ng mga presidential scholar, dapat naman eh mapakinabangan ninyo ito dahil, paalala ko ulit sa inyo, na ang magandang edukasyon ay isang biyaya ‘yan na hindi na puwedeng kunin sa inyo. Habang buhay na ‘yan na nasa inyo. Hindi manakaw sa inyo, hindi maagaw sa inyo, hindi ito nalulusaw, hindi mawawala. Kaya take advantage of this opportunity. You are now the presidential scholars. Make the most of it.
And make – study hard, work hard, and this will be something that will help you for the rest of your life.
Tutulong ito sa inyo mismo, sa inyong mga magiging pamilya, sa inyong komunidad.
At pag pinagsama-sama natin lahat ‘yan eh mararamdaman natin sa buong Pilipinas na may magandang nangyari dahil sa mga ating kabataan na ready na ready na maglingkod, ready na ready na gumawa ng lahat ng kailangan na gawin para pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino para pagandahin ang ating minamahal na Pilipinas. Ganoon kahalaga itong programa na ito.
And that is why we are looking to you to make the best of it and make the most of it para naman eh masabi natin pagdating ng panahon, ready na kayo at kaya na ninyo ang magiging trabaho ninyo.
Kaya keep up the good work. Sige, alam ko naman na lahat dito ay napili dahil kayo ay deserving, deserving students.
Kaya, I look forward to your final graduation and masabi natin, nakapag-graduate tayo ng napakarami na scholar. So, keep up the good work.
Work hard, study hard, make the most of this opportunity, and I am sure you will find that it is something that you will keep with you for the rest of your life. Maraming salamat.
Good – magandang umaga sa inyo.
[applause]
— END —