Message of President Ferdinand R. Marcos Jr. to Presidential Scholars
Bawat barangay sa buong Pilipinas ay magbibigay ang national government ng PhP200,000. Pero ang hiningi namin sa ating mga barangay officials na doon sa PhP200,000 ay kalahati ay gamitin para sa scholar. At tigda-PhP20,000 ang bawat scholar, lima sa bawat barangay.
Kaya pala… Nakikita natin ay mabuti ito para makatulong. At sinabi namin sa kanila i-priority ninyo ‘yung mga malapit na magtapos pero baka hindi makatapos dahil nga may problema sa pambayad o whatever reason, kailangang magtrabaho.
So, this is our support to you para naman eh maging successful ang inyong scholastic career.
At alam naman natin na napakahalaga ng magandang pinag-aralan – may magandang pinag-aralan.
At pagdating ng araw, kailangan ay ready na kayo na nagkaroon kayo ng magandang training, may dala kayong magandang edukasyon. Ang edukasyon na tutulong sa inyo na pagandahin ang inyong mga buhay, pagandahin ang buhay ng inyong mga pamilya, at even the communities, your city, your country.
At I will always remind dito sa mga scholar natin na baka… Siguro ngayon iniisip ninyo, hindi matagal pa kami bago magtrabaho, bago pa kami mag – bago pa kami kinakailangan na magserbisyo.
Pero you’ll be surprised na hindi ganoon katagal.
The time – the day will come when the country will look to you to be our future leaders, to be those who will be attending to our country and developing our country and making our country better in whatever way.
I’m not talking only about… Hindi lang naman gobyerno ang gumagawa niyan. Sa lahat ng iba’t ibang sektor ay tumutulong lahat. Basta’t nagsiserbisyo kayo at maganda ang inyong magiging serbisyo eh makikita natin tuloy-tuloy ang pagpaganda sa Pilipinas. Kaya’t kayo’y inaasahan namin.
Kaya pakinabangan ninyo itong pagkakataon na ito, itong tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa inyo upang talaga naman ay mayroon kayong biyaya na edukasyon.
Dahil lagi kong sinasabi, ang edukasyon, ang magandang pag-aaral ay isang kayamanan na kahit ano pa ang mangyari sa buhay ninyo, walang makakaagaw sa inyo ng kayamanan na ‘yan. Hindi mananakaw sa inyo ‘yan. Dala-dala ninyo ‘yan buong buhay ninyo.
At hindi mababawasan, hindi nalulusaw, kung hindi nadadagdagan. At ‘yan ang magbibigay sa inyo ng maraming magandang pagkakataon, makahanap ng magandang trabaho, alamin kung ano ang mga kailangan gawin.
At ang sinasabi ko nga, ang katotohanan nito eh kaming mga nakaupo ngayon, mga gurang na kami, kaya kailangan ready na kayo pagka-retirable na kami mga nauna sa inyo.
But I’m sure, I’m very confident na sa inyo lahat that you will be a credit to your country, to your generation.
And we… Dapat mas magaling kayo sa amin. Hindi pupuwedeng mas mababa ang galing ng mga sumusunod na henerasyon.
Dapat pagaling nang pagaling. You have to be better than us and that’s – only way to do that, at least where you are now is to get a good education.
So take advantage, work hard, mag-aral kayo mabuti, come home with your diploma, use it to the best advantage that you can, and we will see that not only will you be helping yourself, not only will you be helping your community, you will be helping the entire country.
So, work hard, and study hard, and make us proud. Keep it up!
[applause]
— END —