Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa inyong lahat.
Kagaya ng aking nasabi noong nakaraang report ko ay patuloy ang pagre-report ko sa taong-bayan tungkol sa mga kaso at saka sa mga impormasyon na nakukuha natin tungkol sa mga flood control project na hindi maganda.
At sa – kaya ngayon ay nais kong ipalaman sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH ay lahat ng nakuha nila na impormasyon ay ire-refer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman.
Ito ay tungkol sa mga impormasyon ng dating Speaker Martin Romualdez at saka ni Zaldy Co.
‘Pag nakita lahat ng ebidensya, baka mag-file ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery.
Malakas naman ang loob natin na ‘yung Ombudsman, ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon.
Maraming salamat po.
Magandang araw po sa inyong lahat.