Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Speeches 5 December 2025

Magandang araw po sa inyong lahat.

Ngayong araw, ipagpapatuloy ko po ang mga report sa taong-bayan tungkol sa mga natuklasan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tungkol sa mga flood control project na nakita natin na ghost project o hindi maganda ang pagkagawa.

Ngayong araw, nais kong ilahad sa inyo ang mga natuklasan ng Office of the Ombudsman kaugnay sa reklamo ng DPWH ukol sa isang flood control project sa Culaman, Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Ito ay may halaga na halos isang-daang milyong piso at ipinagkaloob noong 13 January 2022 sa St. Timothy Construction Corporation.

Ayon sa imbestigasyon, ang proyektong ito na sinasabing natapos noong 2022 ay hindi kailanman nasimulan. Sa inspeksyon ng CIDG noong 25 September 2025, natukoy na walang anumang konstruksyon sa lugar na ‘yun.

Kinumpirma ng mga indigenous peoples at barangay officials sa kanilang joint affidavit na walang naganap na implementasyon ng proyekto. Natuklasan ng Ombudsman ‘yung mga isinumiteng final billing, certificate of completion, at inspection reports ay palsipikado o hindi tumutugma sa aktuwal na kalagayan ng proyekto. Maging mga video at larawan na hinarap ng respondent ay walang time stamp at hindi ma-validate na tumutukoy sa proyektong ito.

May mga private at public na indibidwal na pinangalanan sa reklamo na kinabibilangan ng sa St. Timothy, si Cezarah Rowena C. Discaya at Maria Roma Angeline D. Rimando.

Mayroon pang iba mga ibang nasa ahensiya ng DPWH na nasama rin sa kasong ito. Dahil ayon sa Ombudsman, ang mga respondent ay naglabas at nag-apruba ng mga dokumentong ginagamit para sa pag-request at pag-release ng buong halaga na halos PhP100 million kahit na walang natapos o nasimulang proyekto.

Ayon sa kanilang finding, ang mga respondent na ito ay kumilos ng may manifest partiality, bad faith, o gross negligence. Nagdulot sila ng undue injury sa gobyerno at nagbigay ng unwarranted benefit sa contractor at may pakikialam ang ilang private respondents sa nangyaring sabwatan.

Nagrekomenda na ang Ombudsman na magsampa ng kaso para sa Malversation through Falsification at paglabag ng RA 3019 Section 3(e).

Ang malversation ay non-bailable. Mabigat ito dahil hindi nila mababayaran ang kanilang paglaya. ‘Pag naisampa na ang mga kasong ito sa korte, ang susunod na hakbang ng judiciary ay ang paglabas ng arrest warrant para sa mga pinangalanang indibidwal.

I have directed DILG and the PNP to ensure that they know the whereabouts of Discaya at nung iba pa para paglabas ng arrest warrant ay maaresto na sila kaagad.

Umpisa pa lang ito. Marami pa tayong ipapakulong at marami pang magpa-Pasko sa kulungan.

Maraming salamat.

— END —