Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa inyong lahat.
Mayroon po akong ihahatid na magandang balita.
‘Yung siyam na marino na ating kababayan ay naligtas mula sa lumubog na barko ‘yung MV Eternity C sa Red Sea noong Hulyo at sila’y binihag ng mga Houthi sa Yemen. Sila po ay pauwi na.
Nitong Miyerkules na — dumating sila sa Oman mula sa Yemen at sinalubong sila ng mga tauhan natin sa Philippine Embassy sa Muscat at saka ng Department of Migrant Workers.
Nagpapasalamat tayo sa lahat ng ginawa ng DFA, ng DMW, ng Philippine Embassy sa Oman.
At huwag po nating kakalimutan na magpasalamat sa Omani government dahil sila talaga ay walang tigil na tumutulong sa atin.
At kaya’t ipinapaabot ko ang pasasalamat ko sa Sultanate of Oman. Ang namumuno ay ang Sultan Haitham bin Tariq at sila po ay talagang kaibigan po ng mga — ng Pilipino at lahat ng maaaring gawin para iligtas ang ating mga marino ay kanilang ginawa. Kaya naman ay nandito na tayo at nailigtas
‘yung siyam.
Dumating sila sa Oman, nagka-briefing nang kaunti, inayos ang mga dokumento nila at hindi na natin pinatagal. Gustong-gusto na siguro nila umuwi, paskong-pasko pa kaya’t pinauwi na natin at parating na rin dito sa Pilipinas.
Ipapaabot din natin ang ating pakikiramay sa pamilya ni Mr. Neil Roy Faner dahil po eh siya’y sumakabilang buhay noong inatake ‘yung barko na sinasakyan ng mga marino natin.
Ito po ay ating ginawa dahil alam naman natin na kung minsan delikado ang nagiging buhay ng ating mga marino dahil kung saan sila pumupunta, napapasok sila sa war zone, kung saan ‘yung mga lugar kung saan may gera eh nadadamay sila.
Kaya’t mabuti kahit medyo natagalan ay sa wakas ay makauwi na ang ating mga kababayan.
Welcome home sa inyong lahat.
Tamang-tama, Merry Christmas.
— END —