Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa inyo lahat.
Ito po ay kakaiba sa ibaโt ibang mga video na aking ginagawa. Dahil ito po ay tungkol sa isang magiting na sundalo natin na si Captain Jerome Jacuba, 0-146467, Philippine Army.
Kung nakita niyo po ang ating butihing kapitan ay nabulag dahil nasabugan po ng bomba. Nagdu-duty siya at ito โyung nangyari sa kanya.
Ngunit pagkatapos siyang nabulag ay nabigyan siya ng tinatawag na CDD or Complete Disability Discharge. Ibig sabihin, hindi na siya puwede sa military dahil nga hindi na siya puwede sa combat operation at nabulag na nga siya.
Noong nakita ko โyung video niya at pinag-isipan ko โyung mga nangyari sa kanya, ay parang hindi tama. Dahil ito ay isang opisyal na itinaya na nga niya ang buhay niya para sa duty niya para ipagtanggol ang Pilipinas, at dahil sa ganyan ay bastaโt bibitawan na lang natin. Hindi naman yata makatarungan โyan.
Kaya binigyan ko ng instruction ang ating Chief of Staff na isuspende na โyung CDD ni Captain Jacuba. Bukod pa doon, ay dapat bigyan siya ng promotion dahil sa katapangan niya at gawin na siyang major.
At maghanap tayo ng mga ibaโt ibang posisyon
na puwede pa naman siya โyung ating mga tinatawag na the major adaptive duties. Kasi kahit medyo โ kahit nabulag na po, marami pa ring duty na puwedeng gawin ng isang sundalo, lalong-lalo na sa isang sundalo na may 15 years na experience. Maraming maidadagdag at maitutulong sa atin โyan.
In-instruction ko rin ang ating Secretary of National Defense na pag-aralan ulit itong polisiya natin para hindi naman mangyari ulit ito na ang isang sundalo natin na nasaktan dahil sa sakripisyo niya, dahil ginagawa niya ang duty niya para ipagtanggol ang Pilipinas, ay basta pagka nasaktan, ay basta bibitawan na lang natin. Hindi naman tama โyun. Kaya gagawa po tayo ng bagong polisiya sa CDD sa lalong madaling panahon.
Ito ay para sa lahat ng ating mga sundalo na dahil sa ka-duty nila silaโy nasaktan, sila ay nagka-injury, ay dapat naman patuloy din ang ating pagkilala sa kanilang katapangan at sa kanilang sakripisyo.
Kayaโt ito po ang pagbabago na gagawin natin.
Mabuhay ka, Captain Jacuba. Ay hindi, mabuhay ka, Major Jacuba, at mabuhay ang Sandatahang Pilipinas.
โ END โ