Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Speeches 28 November 2025

Magandang araw po sa inyong lahat.

Mayroon – ito po ay patuloy na aking pagre-report sa taong-bayan tungkol sa mga development sa mga kaso hinggil sa mga flood control project na iskandalo.

Ngayong araw, inatasan ko ang DOTr at saka ‘yung CAAP na makipag-ugnayan sa mga kaibigan natin sa Malaysia saka sa Singapore dahil ang mga pag-aari na helicopter at saka eroplano ay mukhang doon tinatago ni Zaldy Co at nakarehistro po ito sa kaniyang kumpanya na tinatawag na Misibis Aviation and Development Corporation.

Ngunit nagkaroon na ng freeze order ang AMLC, kaya lahat ng galaw at disposisyon ng mga aircraft na ito ay lalong-lalo na ngayon ay ipinagbabawal dahil kailangan natin ipalaman sa lahat ng mga pugante, hindi puwedeng gamitin ang mga ari-arian na galing sa kaban ng bayan na ninakaw ninyo para tumakas o umiwas sa batas.

You cannot steal from Filipino people and expect to hide or fly away on your private jets. You have the money to run, but you cannot outrun the Republic of the Philippines.

Kaya kayong mga pugante, umuwi na kayo! Ang payo ko sa inyo, hindi na kayo turista. Hinahabol na kayo ng batas.

At isa pang development po ngayong araw din kinumpirma ng DOJ na si Henry Alcantara ay nagbalik na ng PhP110 milyon sa gobyerno, at sa loob ng dalawang linggo ay magbabalik pa ng PhP200 milyon.

This government intends to bring back every peso, every asset, every person responsible and return it to the Filipino people.

Maraming salamat po. Magandang araw po sa inyong lahat.

— END —