Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Speeches 26 November 2025

Magandang araw po sa inyong lahat.

Ito’y patuloy sa aking pagre-report sa inyo tungkol sa mga developments sa mga kaso na hinggil doon sa mga flood control project.

At ire-report ko po na ngayong araw ‘yung AMLC, ‘yung Anti-Money Laundering Council, nakakuha na po ng dalawang freeze order. This brings the total amount of assets frozen to about PhP12 billion.

Kasama po dito ang mga air asset ni Zaldy Co ang value mga 4 billion. At bukod pa roon mayroon po tayong nakuhang 3,566 na bank account, 198 insurance policies, 247 motor vehicles, 178 real properties, 16 na e-wallet account, at saka air asset na na-frozen na.

Umpisa lang po ito. Mas marami pong asset ay mafo-frozen para maibalik ang pera ng tao sa kanila. Ito po ay ang aming pangako that the money of the people will be given back to the people.

Mayroon din pong development ‘yung ICI at saka ang DPWH. Magsusumite po ng ebidensya sa Ombudsman and magrekomenda sila ng kaso ng plunder, anti-graft, bribery, conflict of interest sa walong congressman na may-ari ng mga construction company na may proyekto sa DPWH.

Lastly, mayroon po akong ibabanggit sa inyo. Nilapitan po kami ng abogado ni Zaldy Co at nagtatangkang mag-blackmail na kung hindi po namin kakanselahin daw ang passport niya, hindi na raw siya maglalabas ng video.

I do not negotiate with criminals. Kahit maglabas ka na ng video ng lahat ng kasinungalingan mo na pag-destabilize sa gobyerno, gusto kong malaman mo, Zaldy, makakansela pa rin ang passport mo. Hindi ka na makakatakas sa hustisya.

— END —