Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa inyong lahat.
Muli po akong magre-report sa inyo tungkol sa mga iba’t ibang development doon sa mga flood control project na kaso at para malaman po ng ating minamahal na taong-bayan kung ano na ang naging progreso.
Pito na po sa mga indibidwal na may warrant of arrest sa Sandigang Bayan kaugnay sa mga flood control anomalya ang nasa kustodiya na ng ating mga awtoridad.
Isa naman sa kanila na inaresto ng NBI, at anim naman ay boluntaryong sumuko sa CIDG.
Mayroon ding dalawang akusado po na nagpahayag na ng intensyon na sumuko at susundin na ang PNP-CIDG.
‘Yung isa pong nahuli ng NBI eh natagpuan doon – hindi sa kanyang sariling tahanan, kaya’t mananagot din ‘yung mga nagtatago sa kanila.
At kaya’t sinasabi natin, ‘yung mga may balak na tulungan itong mga ito ay pinakamalaking tulong na ibigay ninyo sa kanila ay mag-surrender na sila at para makasagot na sila dito sa mga alegasyon na hinaharap nila.
Wala pong mga special treatment itong mga ito. Mananatili sila sa kustodiya ng NBI habang inaantay ang utos ng korte.
Muli, sa tatlong warrant at labing-anim na pangalan, pito na ang hawak ng ating awtoridad, dalawa susuko na.
Pito ang mananatiling at large at kasama na diyan si Zaldy Co.
Sa lahat ng natitirang akusado, ang aking payo sa inyo ay sumuko na kayo. Huwag niyo nang antayin na habul-habulin pa kayo.
Mas maganda para sa sitwasyon ninyo na sumuko na kayo para maganda ang inyong pagsagot sa mga alegasyon na dinala kontra sa inyo.
Sa mga nagtatangkang tumulong sa pagtatago, tandaan ninyo na kahit papaano mananagot din kayo kung kayo ay nagtatago ng isang fugitive from justice. Tuloy-tuloy po ito. Hindi kami titigil. Hindi kami hihinto.
Maraming salamat po.
Magandang araw sa inyo.
— END —