Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Speeches 21 November 2025

Magandang araw po sa inyong lahat.

Ito po ay isang report na aking ginagawa upang malaman ng taong bayan kung ano na ang nangyayari tungkol sa mga flood control na kaso na naging iskandalo, at kung papano at ano ang ating mga nagawa upang mapanagot ang may kagagawan nito.

Nais kong i-report na ang Ombudsman pormal nang naghain ng kaso laban kina Zaldy Co at 17 indibidwal batay sa mga ebidensyang iniakyat ng ICI at saka ng DPWH.

Hindi po ito haka-haka. Hindi po ito kuwento. Ito po ay tunay na ebidensya. At ito po, para hindi ko na babasahin pero makikita naman ninyo sa phone ninyo, ito ang listahan ng may arrest warrant na.

At ang susunod na hakbang, wala nang paligoy-ligoy pa, ang ating mga awtoridad, ay siyempre ipapatupad na nila itong mga arrest warrant na ito. Aarestuhin na sila, ihaharap sa korte, at pananagutin sa batas.

Walang special na pagtrato, walang sinasanto.

Ako ang nagsimula nitong lahat. Ako ang magtatapos. Kaya’t asahan po ninyo na wala pong tigil itong aming ginagawa, kahit na parang napakatagal ang dumaan na panahon, ako ay nagpapasalamat sa pasensiya ng ating mga kababayan. Ngunit nagbunga na ng resulta ang mga pasensiya ninyo.

Maraming maraming salamat po. Magandang araw po sa inyo.

— END —