Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa ating mga kababayan at happy new year po. At sana naman ang 2026 ay magiging magandang taon para sa ating lahat.
Sa aming patuloy na tumulong sa ating mga kababayan, lalong-lalo na sa tinatawag nating healthcare eh inutusan ko po ang PhilHealth na magpatupad ng general amnesty para sa mga negosyante, private employer, mga self-employed na ating mga kababayan na hindi nabayarang kontribusyon sa PhilHealth.
Alam naman namin na โyung three percent na binabayad para sa PhilHealth eh medyo โ na buwan-buwan ay nara โ ramdam na ramdam ng ating mga kababayan.
Kayaโt gagawa po tayo at inutusan ko po ang PhilHealth, gagawa tayo nitong taon na ito, 2026, ang tinatawag naming one-time waiver para sa interest ngayong taon 2026.
Bibigyan natin mga employer ng isang taon para mabayaran na lahat ng na-missed contributions mula 2013 hanggang 2024.
At ito po ay palagay namin, sa kalkulasyon namin, itoโy makakatulong po sa mga 300,000 na mga benepisyaryo.
Hinihikayat din natin ang ating mga employer na i-update na ang lahat ng information ninyo at magrehistro โ irehistro ang mga empleyado ninyo sa Yaman ng Kalusugan o โyung ating tinatawag na YAKAP program.
Kaya po ito po ay patuloy naming ginagawa upang pagaanin ang dala ng ating mga kababayan tungkol nga sa mga healthcare costs at sa lahat ng ibaโt ibang hamon na hinaharap ng ating mga kababayan araw-araw.
Happy New Year po!
โ END โ