Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
BBM VLOG 275: CHRISTMAS 2025
Sa dinami-dami ng problema na hinaharap natin sa opisina araw-araw, dumagdag pa sa iniisip ko itong mga tanong na natanggap natin. Kaya ngayon susubukan natin sagutin isa-isa.
โAno ang dapat gawin kapag hindi mo gusto ang regalong natanggap mo sa exchange gift? Puwede ba ito ipasa sa iba? Ginagawa ninyo ba ito?โ
Siyempre pagka natanggap mo kahit anuman โyung natanggap mo, siyempre naka-smile ka at saka โthank youโ. Alalahanin mo ito naman kahit ano pa ang nabigay sa inyo, kahit mayroon ka na, ito ay galing sa puso nung nagbigay. Iyon ang alalahanin natin.
Pero hindi naman dapat na masayang. Ipasa ninyo sa ibang tao na makikinabang doon sa magandang regalo na โyun.
โGaano kalaki ang tamang kuha ng leche flan?โ
Pasko naman eh. Kumuha ka kung anong gusto mo. Basta โyung mga nagdadala ng pagkain damihan na lang ninyo.
โIlang pirasong lumpiang shanghai ang dapat kainin?โ
Bastaโt nabubusog kayo, again, Pasko naman eh, dapat medyo mag-enjoy tayo. Huwag natin iniisip na kailangan magpigil sa ating kasiyahan. Kaya ulit โyung mga maghahanda ng pagkain, dami-damihan na lang ninyo para may baon pa pauwi.
โAno ang dapat sabihin sa kamag-anak kapag sinabi niya, โUy, tumaba ka!โ
Madaling sagutin โyan, โUy, tumaba ka!โ โOo nga eh. Ikaw din.โ
Ikaw, what do you think? Anoโng dapat sabihin?
FIRST LADY LOUISE ARANETA-MARCOS: โPag sinabi nilang tumaba ako at saka malaki โyung tiyan ko.
PRESIDENT MARCOS: Oo, tumaba ka daw.
FIRST LADY: Dapat naman, wala akong stress. Happy ako.
PRESIDENT MARCOS: Kami naman ang magtatanong. Ang lagi namin tinatanong sa mga anak namin, โyung tatlong anak kong lalaki: Baโt wala pa kaming apo?
FIRST LADY: Tama โyan, Honey. Sana all. โYan ang Christmas wish ko.
PRESIDENT MARCOS: Wala kayong mabola โno? [laughs]
โObligado ba kami magbigay ng regalo sa aming mga inaanak? Puwede po bang pagtaguan โyung mga inaanak namin?โ
Kami hindi namin puwedeng pagtaguan dahil madali kaming hanapin. Kaya kumpleto ang listahan namin doon sa aming mga inaanak at marami-rami din.
Ngayon, โyung iba siguro โpag hindi ninyo talaga nakikita na o hindi na kayo nag-uusap, โpag may app, puwede ninyo ng i-GCash โyung mga regalo ninyo. Ngayon mas madali na.
โPag may potluck, ano ang luto dala-dala ni PBBM?โ
Ang gagawin ko para makarami at saka madaling gawin, spaghetti.
Sana ay masaya at mapayapa ang inyong pagdiriwang kasama ang inyong mga kaanak at kaibigan.
Sa pagkain, โyung sakto lang po. Alam ninyo naman mataas ang mga kaso ng heart attack ngayong panahon dahil napaparami po ang kain natin ng taba.
Ingat lang po sa pagmamaneho kung saan po kayo pupunta.
At siyempre mag-ingat sa mga paputok. Iwasan na natin โyan. Doon na po tayo sa mga torotot at iba pang maingay na mga laruan para kumpleto at masaya ang pagsalubong natin sa darating na Bagong Taon.
Merry Christmas! Happy New Year po.
โ END โ