Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Mga kababayan, magandang araw po sa inyong lahat. Meron lang po akong update tungkol sa iba’t ibang kaso tungkol sa flood control na mga problema sa mga iba’t ibang kontrata.
Ipapaabot ko po sa inyo na ang PhP96.5 million na ghost flood project sa Davao Occidental, naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban sa sampung pangunahing sangkot dito sa anomalyang ito.
Ang mga akusado ay nahaharap sa kasong graft at malversation. Ito pong mga kasong ito, hindi po bailable ito. Hindi pwedeng bayaran ang kanilang, para sila’y makalabas sa kulungan.
Kabilang na po rito si Sarah Discaya na sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng NBI. Bukod dito may walong opisyal pa ng DPWH ang nagpahayag ng kagustuhan nilang sumuko.
Ito po ay patuloy namin ang gagawin. Simula lang po ito at patuloy namin ito iimbestigahan at kakasuhan lahat po ng may kinalaman sa mga iskandalo na nakikita natin sa mga flood control project.
At titiyakin po natin na hindi lamang sila ay makakasuhan, kundi maibalik ang pera ng ating mga, ng binayad ng ating mga kababayan ay ibalik sa kaban ng ating bansa.
At maraming maraming salamat po at magandang araw po sa inyo.
— END —