Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa lahat ng aking mga kababayan na SSS member, mayroon akong magandang balita.
Simula itong Disyembre na ito ay makakapagbigay na ang SSS ng tinatawag na emergency loan dahil habang nasa ilalim, halimbawa, ng national emergency ay magbibigay ng emergency loan ang SSS. Ito ay isang pautang na ang bayad ay mababa lang, seven percent lang.
Bukod pa riyan ay mayroong tinatawag na sixth-month moratorium. Ibig sabihin pagtanggap ninyo ng loan galing sa SSS, sa anim na buwan – sa unang anim na buwan hindi kayo kailangan magbayad para sa loan amortization para naman mapagaan ang inyong dala.
Magagamit po ninyo itong loan na ito para sa inyong pangangailangan, lalo na kagaya ng aking nabanggit ay pagka emergency, ito po ang makukuha ninyo sa SSS. At tuloy-tuloy naman po ang pakikipag-ugnayan ko sa SSS upang makahanap ng iba’t iba pang paraan para magkaroon nang mas ligtas at makatarungan na alternatibo sa micro loan at emergency loan.
Maganda po ito kasi imbes na pupunta po kayo sa 5-6 at mapasubo sa malalim na utang ay mayroon na kayong magagamit at ang babayaran lang ay seven percent lamang.