Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Speeches 9 December 2025

Magandang araw po sa inyong lahat.

Mga kababayan ko, naglabas na ang Court of Appeals ng freeze order laban sa mga bank account, ari-arian at sasakyang panghimpapawid na may kaugnayan sa mga anomalyang flood control project na iniimbestigahan ngayon ng gobyerno.

Sakop ng freeze order ang mga account at ari-arian ng Silverwolves Construction Corporation at Sky Yard Aviation Corporation, pati na rin ang mga personal account at asset ng mga indibidwal na nasangkot sa imbestigasyon. Kabilang ay si Congressman Eric Yap at Edvic Yap.

May mahigit 16 billion na ang pumasok sa mga transaksyon ng Silverwolves mula 2022 hanggang 2025 na karamihan ay may kaugnayan sa mga flood control project ng DPWH.

Kabuuang 280 bank account ang na-freeze, 22 insurance policy, tatlong securities account at walong sasakyang panghimpapawid, kabilang ang mga eroplano at helicopter na konektado sa Sky Yard Aviation.

Kailangan natin ng mga freeze order na ito para hindi maibenta ang mga ari-arian at para maibalik natin sa ating mga kababayan ang bawat pisong pinaghihinalaang ninakaw.

Mayroon ding walong taga-DPWH sa Davao Occidental na nagpadala na ng sulat na sila ay magsu-surrender sa NBI dahil sa hinaharap nilang mga kaso.

Inaasahan na rin nating lalabas ang warrant of arrest na ni Sara Discaya itong linggong ito at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.

Magpapatuloy ang imbestigasyon.

Magpapatuloy ang pagpapanagot at titiyakin ng pamahalaan na ang pera ng bayan ay maibabalik sa taong-bayan.

Maraming salamat po.

— END —