Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Situation Briefing on the Effects of Typhoon Tino in the Province of Cebu

Speeches 7 November 2025

Kakatapos lang ng briefing tungkol nga sa mga nangyari sa Bagyong Tino. And nakapunta kami sa ibang lugar, ‘yung mga evacuation center na nasira.

Ang talagang naging damage ay galing sa baha dito sa bagyong ito, hindi masyado sa malakas na hangin.

At nakita natin na ‘yung mga nilagay dati na mga dike, mga protection ay hindi talaga kaya ‘yung bigat, ‘yung dami ng tubig na bumagsak.

So, what we did, siyempre kagaya ng dati, pumunta na lahat ng mga agencies. Of course, nauuna diyan is the DSWD, mag-provide ng relief goods para sa mga lalong-lalo na ‘yung mga nasa evacuation center o ‘yung mga na-dislocate, nasiraan ng bahay. Iyon ang unang-una. So, food and water.

Tapos nandiyan na ‘yung ating mga medical team para tingnan sila kung mayroong mga nasugatan, mayroong nagkaroon ng karamdaman dahil sa bagyo, at binibigyan ng gamot.

Tapos mayroon tayo pa cash assistance. Ang binibigay natin ngayon, 5,000 para sa mga partially damaged na bahay at 10,000 para sa completely damaged na bahay. Para mayroon silang magamit para makapagtayo na naman sila ulit ng bahay.

And so that is ongoing now. Later on, patuloy naman ang tulong kasi mayroon tayong mga ire-relocate kasi marami sa naging biktima ay nasa no-build zone at nakapagpatayo sila ng bahay doon sa no-build zone.

Kaya’t kailangan silang i-relocate. So, isa pa ‘yun ginagawa naming. Napag-usapan namin ng mga local government units dito sa Cebu, including the provinces, the municipalities and the cities, ay pinag-usapan namin kung papaano, saan natin ilalagay dahil umaasa kami sa LGU para makahanap ng lupa, paglalagyan ng mga ire-relocate.

Ngayon, mayroon din tayong temporary shelter para doon sa walang – hindi pa makauwi ng kanilang bahay. But eventually ay gagawan natin ng paraan para makabalik na sila, magpatayo sila ulit ng bahay o ayusin nila ‘yung nasira nilang bahay.

In the meantime, kung habang binabalik dahan-dahan ang buhay ng ating mga kababayan sa normal, ay nandito naman lahat ng mga ibang ahensiya, hindi naman umaalis at nagpapaikot pa nga.

Ang Public Works, for example, nagpapaikot ng mga engineering team para tingnan ‘yung mga kalsada. Baka na-erode, baka kailangan nang ayusin, baka kailangan sarhan. Pero so far, mukha namang maayos. May mga dalawa, tatlo na kailangan tutukan, kailangan tingnan nang mabuti baka hindi na puwedeng gamitin dahil nasira na dahil sa baha. Iyong mga engineer namin ng Public Works ay papupuntahin na namin doon para inspeksyunin na nila lahat.

At nagbigay din ako ng warning sa ating mga local executives na may padating pa na bagyo. Ngayon, sa tingin namin, hindi naman yata dadaan dito sa Visayas pero mag-ingat pa rin lahat. At hindi natin alam dahil kami kung minsan lumilipat.

Kami naman ngayon, Northern Luzon and Central Luzon ang nag-aabang para dito sa Uwan na parating.

But we are very, very sorry. Hindi ko… Siyempre lahat kami nalulungkot dahil napakataas ng ating casualty figures. At ito karamihan talaga ay dinala, dinala ng tubig. Dahil sa laki ng tubig, dahil sa bilis ng parating na flash flood.

Ang sinasabi sa atin, ang pinaghahandaan ng mga LGU officials was a storm surge. ‘Yung papasok galing sa dagat. Pero ang talagang nangyari, flash flood naman. Iba ‘yung nangyari. At hindi natin napaghandaan dahil iba ‘yung ine-expect natin.

But anyway, nangyari na. We will be helping the families of those na naging casualty. We will help them to recover, put them back on their feet and do what we can to make up for the loss that they have suffered.

And again, I made the same promise to Cebu, your Governor and your Mayor, that as long as the government, the national government is needed, we will be here. We are not leaving. Hanggat maayos na ang inyong mga buhay at hindi na kami kailangan para sa mga tulong na dinadala namin, then we will remain here. All right?

Maraming salamat. Thank you. Good afternoon.

— END —