Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. Following the Recognition of PISA Participating Schools and Education Partners
We are here today, here in Pasay, at sa one of the schools that were involved in the testing that was conducted by PISA, by the OECD.
And kung maalala ninyo, very recently we announced the results of the PISA. Mayroon talagang improvement na ating nakita sa reading skills, sa math skills, sa science skills ng ating mga mag-aaral.
At kaya naman ay nandito tayo upang pasalamatan lahat ng mga guro, ng mga magulang, lahat ng mga estudyante na kasama doon sa testing na โyun. At sila ang naging magandang halimbawa na โyung ating mga ginagawa ay nagkakaroon at nararamdaman ang magandang pagbabago, magandang pagtataas ng ating mga grado.
And this is the effect ofโit is similar to the last school that we visited where we showed na kasama โyung YAKAP Program, kasama ang Feeding Program, kasama โyung ARAL Program, kasama ang lahat ng ating mga ginagawa para naman sa mga guro, ang ating pag-hire ng mga non-teaching positions, ang ating pangako na walang magre-retire na Teacher I. Lahat ito siguro ay nagsama-sama at tumutulong upang pagandahin ang ating education system.
Ito, kagaya ng aking sinabi sa aking talumpati, para sa akin, ang pinakamahalaga, ang pinakamalaking biyaya na maidudulot ng isang pamahalaan sa kanyang mga kabataan, para sa kinabukasan ng ating bansa ay ang pagpapaganda ng education system natin.
Ipagpatuloy natin. Marami pa tayong kailangang gawin. Hindi pa tayo number one. Habulin natin โyung pagka-number one at kayang-kaya dahil napakagaling ng ating mga estudyante, napakagaling ng ating mga guro, napakabait at napakasipag ng ating mga magulang at lahat-lahat.
Together with the government, both local government and national government, โpag pinagsama-sama natin ang ating kakayahan para turuan at maging maganda ang education system ng Pilipinas, matutupad din natin ang pangako na โyan.
Maraming salamat sa inyong lahat. Magandang umaga sa inyo.
โ END โ