Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. following his Visit to the Rice Processing System (RPS) and Distribution of Agri-Fishery Interventions in Antique

Speeches 19 January 2026

Magandang umaga sa inyo lahat at –

[Crowd: Magandang umaga po.]

Kami ay nandito upang unang-una buksan ito, ating bagong rice processing dito sa – rice processing center dito sa Hamtic. At ito ay para maging mas maganda ang ating produkto, mas maging mas magaan ang trabaho para sa ating mga magsasaka at para naman mas maging maganda ang hanapbuhay ng ating mga farmer na kailangan natin talagang alagaan at sila ang nagpapakain sa ating lahat. Kaya kailangan ng ganitong mga klaseng facilities.

Kaya’t ito po ay hindi lamang isa ito. Nagtatayo tayo ng – altogether nakapagtayo na tayo ng 152 nito sa buong Pilipinas. [palakpakan]

Pero hindi pa kami tumitigil. Next year, how many – this year, how many do we?

[DA SECRETARY FRANCISCO TIU-LAUREL: Sa drying system sir, mga 370.]

O’ by this year, magtatayo pa tayo ng mga 300 plus na drying system para – para nga, ‘yung pagpatuyo…Parang – ang sabi ko kay Secretary ng Agriculture, sabi ko, sana naman 2025 na, sana naman ‘di na natin nakikita ‘yung nagpapatuyo ng palay sa kalsada, tapos sinasagasaan lang ng mga dumadaan na truck. Kawawa naman ‘yung mga pinaghirapan nilang mga ani. And that’s why we are slowly developing the whole system.

At kasama riyan, ibig sabihin ‘yung whole system eh nandiyan po. Nagdala din kami ng mga tractor, ng mga – may dalawang malaking harvester doon.

At sa ating mga fishermen ay may kaunting tulong din tayo. Nagdala tayong bangka na may motor para magamit nila. At bukod pa roon, mayroon rin tayong naibigay na tulong galing sa Crop Insurance Corporation sa mga nagsaka pero nasira ang tanim dahil sa bagyo.

Para naman kahit hindi namin makumpleto ang dapat na kikitain nila ay sana ito’y makatulong na sila – para makabalik na sila, para tanim ulit for the next season. Pati na ‘yung mga inputs eh magtutuloy ‘to – hindi lamang ‘yung cash kundi tutulong din kami sa mga input.

‘Yan po ang ating mga ginagawa ngayon at sana po…At ako’y nakakatiyak ako, na kapag nasimula na, ‘pag na-open na ito, at nagamit – nagamit na ito, mararamdaman ninyo kaagad ang mas magandang patakbo, mas madali ang pagpadala ng ating – ng bigas natin para sa dadalhin sa palengke.

May truck pa pala. May kasama ring truck para doon, para sa lahat ng gamit ninyo, dadalhin niyo sa palengke o kung anong pangangailangan ninyo, mayroon kayong sasakyan.

At lahat po ‘yan eh binubuo natin para masabi natin ‘yung sistema…Ang kailangan lang gawin ng ating mga magsasaka, magtanim at alagaan ‘yung kanilang tanim at mag-ani. Pagkatapos nilang mag-ani, ay tutulungan namin sila pag-process, pagtuyo, pag-giling, pag-polishing, lahat na hanggang sa market, hanggang sa palengke.

Kaya po ay patitibayan natin ang ating agricultural sector para tayo ay nakakasiguro sa ating food supply.

Kung ano man ang mangyari sa buong mundo na nawalan ng bigas, eh tayo ho dapat magkaroon, lagi tayong mayroong sapat na bigas.

Wala pa tayo roon, pero patuloy ang pagpaganda natin ng ating agricultural sector para naman masasabi na, na tayo sa Pilipinas ay we are completely

food secure.

Maraming-maraming salamat.

Magandang umaga sa inyo.

[palakpakan]

— END —