Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Opening of the Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Project Subsection 3

Speeches 4 May 2026

Magandang umaga. Good morning.

Andito ngayon tayo. Ito, bubuksan natin itong section which is about four and a half – four and a half kilometers. ‘Yung dating kalahating oras na biyahe ay magiging five minutes na lang, six minutes kaya’t malaking bagay ito.

At hindi lang kasi mabibilisan eh dahil ma-relieve din ang traffic.

At tinitingnan namin doon sa mapa ay ‘yung inaantay natin na matagal na galing dito sa Silang hanggang Kawit na. ‘Yung dati mga dalawang oras, magiging kalahating oras, 45 minutes na lang.

At ulit, kahit na nagtatrabaho ka sa Taguig, puwede kang nakatira dito sa Cavite. Kaya’t magandang-maganda na matapos na natin ito na… This is ten years in the making at pahirapan kasi as usual ‘yung nagiging problema natin sa lahat ng construction ng mga kalsada ‘yung right of way.

Kaya’t dinahandahan nung the then Governor Jonvic, was one of the main movers of all of these. Kaya’t mabuti naman at ngayon nabubuksan na natin.

I can announce na mabuksan ito starting 12 midnight tonight and for one month, wala na muna toll. So, ‘yung ating mga kababayan, gamitin po ninyo, makita ninyo, maramdaman ninyo na ang malaking ginhawa na dinadala ng – nitong mga ganitong malalaking project.

Kaya’t nagpapasalamat tayo sa MVP Group at sa lahat ng mga tumulong at I’m sure eh mararamdaman nga natin ang magiging mas mabilis at mas maginhawa na pagbiyahe na papasok sa Metro Manila.

Okay. Maraming salamat. Thank you.

— END —