Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to the Balanga Green Mobility Hub at Cabog-Cabog
Good morning. Magandang umaga sa inyong lahat. Nandito tayo ngayon sa Balanga, Bataan dahil nga ito ang isang terminal para sa mga electric vehicles na ating tinatayo.
Kung maalala ninyo, mula sa umpisa, tinutulak na namin ‘yung modernization ng mga public utility vehicles.
Mayroon tayong mga nakita mga challenges kaya dahan-dahan ay ginawan natin ng paraan.
Ngayon, ito na nga ang ating ikakalat sa buong Pilipinas. Nauna lang ito pero napakaganda kasi malaki ang magiging kita – mas malaki ang magiging kita ng ating mga nagpapasada at pati na para sa ating mga commuters. Dahil siyempre ‘pag may savings, lalong-lalong na may savings sa fuel, ay nakakabawas din para sa pamasahe.
Ito, nais kong ipakita sa inyo, ito ‘yung Green Mobility Hub. Ito ‘yung mga importante. Ito ‘yung mga importante. Kung titingnan ninyo, itong sa isang…
Iyong maliit na bus, parang coaster… Ito ‘yung mga sample – pinakitaan tayo ng sample doon. Ito, ang indicative cost nito, 4.4 million ang bawat isa. Okay, so sabihin muna lang – pag-usapan natin ‘yung financing mamaya, pero ‘yung cost nito is 4.4 million.
Tingnan naman ninyo ano ang savings. Dati sa krudo, magbabayad ka sa 200 kilometers everyday, magbabayad ka ng P78,000.
Dito, sa sistemang ginawa rito, dahil ang kuryente, ang charge galing sa solar, ang babayaran mo lang dito, P9,100.
Tingnan niyo naman ‘yung savings napakalaki. At ang saved bawat buwan, P68,000 – P69,000 halos ang savings sa bawat isang buwan. Kaya ang revenue, pati galing sa pamasahe, ito, sinama na natin lahat ng mga costs para ‘yung mga binabayad sa driver, sa konduktor, sa maintenance, pati na sa insurance ay babayaran mo P57,000.
Ito na nga, dito sa pag-charge P9,100 ang payment mo para kasi dahil siyempre magbabayad ka ng financing, ipapautang sa inyo, ibabayad niyo P61,000 kada buwan.
So lahat-lahat ito, magbabayad ka ng – habang nagbabayad ka pa ng utang, ang take-home every month is P36,000.
Sa Manila ngayon, ang jeepney, ang average na kinikita, sabihan ninyo ako kung tama ‘yung kalkulasyon ko: between P300 to P500 bago nagkaroon ng akyatan ng krudo. That was before the war in Iran.
Okay, ngayon mas – wala na. ‘Yung mga driver na nakakausap namin, maka-take home lang sila ng P200, happy na sila eh. Ngayon ha, dahil napakataas ng krudo.
Ito ngayon ang magiging kaibahan dito sa bagong sistema na ito. Dahil ang ibinabayad lang, ito naman ‘yung sa e-trike, ‘yung sa tricycle na gagawin. ‘Yan ‘yung may sample diyan.
Ang down payment, ito, P24,000 dahil ang unit is P240,000, magbabayad ka ng 10%. Tapos ang monthly na babayaran mo para bayad sa utang para sa pambili nung unit ay P4,380.
Ang binabayad mo para sa kilowatt hour, ‘yung charge is 5 pesos per kilowatt hour. ‘Yung trike, halimbawa, gaano kalaki ‘yung icha-charge mo diyan? Ito unit cost, ito na.
Each month, 80 kilometers – ito sa trike ito ha – 80 kilometers sa isang araw, magbabayad ka sa krudo ng P6,800. Sa electric, magbabayad ka ng P900.
Ngayon ito, ang mga kalkulasyon na ito, dahil ito solar. Alam naman natin ‘yung solar libre kaya malaki ang bawas. Pero tiningnan natin, kahit na ang kinukuha mo ng kuryente ng pang-charge ay hindi solar, nagbabayad ka talaga sa grid, sasaksak mo talaga sa Meralco, sasaksak mo talaga doon sa mga provider, magdodoble ito. Malayo pa rin.
Sabihin mo na dito sa 900, idoble mo. Sabihin mong 20,000. Malaki pa rin ang savings doon sa six thou – dito sa gasolina… I’m sorry, magbabayad… Sabihin na natin 2,000, ito malayo pa rin doon sa binabayad mo sa krudo.
Kaya napakalaking pagpaganda para sa ating nagpapasada, para sa ating mga transport workers, para sa ating mga commuter.
Marami pang ibang advantage ito. Number one, mayroon tayong mga financing na ginagawa na may financing scheme na ipinaliwanag sa akin na kung ang unit, halimbawa, ang gamitin lang natin ‘yung 4 million para madali ‘yung mathematics. Four million babayaran nila ‘yung kalahati, 2 million. Sila ang magbabayad ng parang down… Iyong isang bahagi nung down payment, magbabayad ‘yung financing company.
Tapos sila lahat ang bahala. ‘Pag may nasira, sila ang mag-aayos. Walang babayaran ‘yung driver, walang babayaran ‘yung operator.
Kaya napakalaki ang savings para sa mga driver, para sa mga operator. At napakaganda ang magiging scheme na ito. Kaya kailangan talaga ikalat natin.
Ang hindi pa natin napapag-usapan ‘yung pollution. Walang pollution ang fully electrical. Walang pollution.
Kaya sa – ako ay nagpapasalamat. Ito naman sa Bataan, ang ating mga butihing mga leader dito sa mga local at sa congressman, eh sila talaga – very progressive itong Bataan kaya sila ang nauna rito. At tinayo ito, itong terminal na ito, tinayo ito together with the local government at saka ang national government – DPWH at saka ang local government.
Magkakalat tayo… How many do we plan to have in the next six months?
DPWH SEC. VINCE DIZON: This is the model, Mr. President.
THE PRESIDENT: Oo, ito ‘yung model.
SEC. DIZON: Ikakalat na po natin ito.
OFFICIAL: Ongoing, Mr. President.
THE PRESIDENT: Dito in Bataan?
SEC. DIZON: In Bataan. Pati sa mga urban centers, Mr. President.
THE PRESIDENT: Ito ‘yung solar, ‘yung solar, pupunta dito sa… Dito ‘yung charging. Dito ikokolekta, dito ikokolekta ‘yung kuryente. Ito ‘yung baterya. Ito ‘yung charging. Dito ‘yung charging.
Sa ngayon, live ito ha. Dito dumadaan – ‘yung nakikita ninyong ganyan, diyan pumapasok ‘yung kuryente ngayon. So may nagcha-charge, may nagkakarga ng baterya. ‘Yan ang sistema natin ngayon.
Kaya ito ang magiging mga advantage ng ating modernization program para sa ating mga public…
Hindi lang public ito kasi itong model na ito ay para sa PUV, para sa public utility vehicles. Pero marami na kahit ‘yung private, sinusundan na rin itong modelong ito at nakikita natin na malaki talaga ang nababawasan.
Kaya we are encouraging fully electric kaya tayo nagtanggal nung taripa sa lahat ng electric vehicles at hindi lang doon sa buo na vehicle kundi pati sa mga component na ginagamit para gumawa ng electric vehicles para ‘yung ating mga local na manufac…
Kayang-kayang nila. Kung kaya nilang gumawa ng jeepney, kung kaya nilang gumawa ng bus, mas madaling gawin ito dahil walang makina. Mayroon ka lang baterya at saka motor.
Wala ka ng kung ano-ano pa. Wala ka ng radiator, wala ka ng fuel pump, wala ka ng water pump, wala ka ng alternator, lahat ‘yan, wala na. Simpleng-simple lang.
Bale, may baterya ka lang, ikakabit mo lang doon sa motor, kakabit mo lang doon sa pedal, ayos ka na.
Kaya napakalaking bagay ito.
Is it regenerating? The technology? ‘Pag nagbe-break ba, nagcha-charge?
OFFICIALS: Yes, po.
THE PRESIDENT: It does, right? So, dagdag pa ‘yun. ‘Pag binitawan mo ‘yung – hindi na gasolina ang tawag siguro. Pero dito sa kanan, sa accelerator, ‘pag binitawan mo, nagko-coast ‘yung – nagko-coast, may karga ‘yun. ‘Pag nag-break ka, may karga pa ‘yun. Kaya napapahaba nila ‘yung range.
Ito ngayon ang bagong teknolohiya na gagawin natin para mas malaking maitutulong sa ating mga kababayan, sa mga nagpapasada, sa mga nago-operate, pati na sa ating mga commuter.
Good day. Maraming salamat. [applause]
— END —