Media Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. during his attendance at the Ceremonial Switch on of New Siquijor Power Plants

Speeches 5 September 2025

PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Good morning, everyone. I am – na mabuti naman at na – ‘pag dito sa ating pagbalik dito sa Siquijor ay magagarantiya na natin na ang kuryente dito sa Siquijor ay sobra-sobra na ang supply dahil kung ang demand ng Siquijor is 11 point something –

DOE SECRETARY SHARON GARIN: Ah nine, nine, nine.

PRESIDENT MARCOS: Ah nine – nine megawatts eh 17 na ang supply natin. Yes, I saw the…

At 17 na ang supply natin kaya’t hindi masobra – hindi – hindi na talaga magkaka – magkukulang.

At nakita na natin ‘yung brownout, eh malaki na ang – malaki na ang ibinawas, kaunti na lang talaga. Siguro sa mga system na problema pero sa supply ay maayos na.

Ang ginawa kasi namin dito, kung maalala ninyo, noong last time ako pumunta rito, nagpakuha tayo ng generator galing pa sa Palawan at sa – [We got also from Camotes, hindi ba? Camotes?]

SEC. GARIN: Palawan lang, sir. And later in Siargao.

PRESIDENT MARCOS: Oh sige. ‘Yun lamang eh pagkaalis namin, na-report sa amin na almost immediately, ‘yung isang – isang generator ng SIPCOR eh nag-down. Kaya’t brownout na naman.

Kaya’t nagremedyo tayo at kagaya ng binriefing (briefing) sa atin eh kung saan-saan kinuha ang mga generator para buoin ang power supply dito sa Siquijor.

We had to take over the operations of SIPCOR for the simple reason that wala tayong nakikitang improvement doon sa kanilang pag-provide ng supply ng kuryente kaya’t ganoon ang nangyari.

So, si – the NEA and the ERC get together, pinagtrabahuhan together, of course, under the Department of Energy ay tinrabaho nila para sila na, ang PROSIELCO na ang magpatakbo. At after that, tutuloy-tuloy na natin and we will see that magiging mas maganda na ang serbisyo ng pag-provide ng kuryente.

And we have to thank itong mga nasa likod, mga lineman ito. [applause] ‘Yung iba taga-Cebu pa. At mga volunteer lahat ‘yan.

At dahil sa kanila at sa trabaho ng ating any – and of course, all of the Department of Energy personnel – dahil sa trabaho nila naibalik natin kaagad at ngayon, we can now… I can – I have – malakas na ang loob ko na i-proclaim na buo na ang supply ng kuryente dito sa Siquijor.

[applause]

At ti-nakeover (takeover) na ng gobyerno at ng PROSIELCO, ng local cooperative ang operations na ito para matiyak na kung anong pangangailangan pa ay mailalagay natin at mabibigay natin. Kaya’t it’s a – ay sana hindi na ako kailangang bumalik dahil hindi nasira.

Pero nasisiyahan pa rin ako na pagbalik ko rito, mai-announce ko talaga nang malakas ang loob ko, sasabihin ko, okay na ang supply, ayusin lang natin ang sistema. Kapagka may outage sa isang lugar, mayroon na tayong sistema para nag-shift ng supply source from the other power plants.

Kaya’t ‘yun ‘yung – kaya mayroon tayong extra na 8 megawatts na more or less 8 megawatts of supply.

So…Pero hindi tatagal ‘yan, ubos rin ‘yan.

Ang experience ko sa pag-provide ng power… Doon sa amin, sabi namin ‘yung wind power eh sabi nila, “Okay na ‘yan.” Ang – at that time, 2000 – mga around year 2000, ang consumption ng Ilocos Norte was 18, 18 to 23 megawatts.

Noong nalagay kami 35 megawatts. Sabi namin, “Okay na ‘yan for the next five years.” Walang three years, ubos. Ganiyan talaga ‘pag power. Ganiyan talaga pag infra.

Kahit anong gawin mo, sasabihin mo good na ‘yan for five years, wala pang dalawang taon, puno na ‘yan. So, we will prepare. We will need to prepare in anticipation.

Alright. Maraming, maraming salamat!

Maraming salamat ulit sa ating mga volunteer. Alam ko na marami sa inyo ay nagpuyat para maging maayos itong ating pag-provide ng kuryente.

Kaya’t siguro ngayon na ngang naipatakbo na natin, puwede nang mag-merienda, puwede nang matulog.

Oh sige. Okay, maraming, maraming salamat.

Very good to be able to do this.

Thank you.

[applause]

— END —