BBM VLOG 284: KAARAWAN
Magandang araw sa inyong lahat at sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Maraming salamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan noong nakaraang linggo. Hindi na rin ako halos nagkaroon ng oras mag-celebrate kasama ng buong pamilya dahil dire-diretso na ang schedule mula Ilocos hanggang sa India.
Pagbalik ko naman, nagkaroon tayo ng kaunting salo-salo dito sa grounds ng Palasyo. Kasama ang mahigit na 98 LGU sa buong bansa online. May kainan, programa at mga distribution ng saring-saring tulong. Bawat frontline service agency ng gobyerno kasama. Kaya para na rin isang malaking selebrasyon ang naganap.
Isa sa mahalagang isinagawa namin noong araw na ‘yun ay ‘yung zero balance billing pero mas
pinalawak natin ‘yung coverage. Normally, mga ward patients lang ang kasama dito. Pero nung araw na ‘yun ay nilahat na natin. Basta nasa hospital ka, anumang kuwarto, bayad na ang bill ninyo. Humigit-kumulang 132 hospitals ang kabilang dito mula Luzon, Visayas at Mindanao. ‘Yung iba sa kanila ay umabot na sa milyon ang hospital bill. Bayad na ‘yan.
VIDEO: Nagpapasalamat ako sa zero billing na ibinigay mong health. Isa akong cancer patient.
Kung sa mga ospital ay nagkaroon tayo ng mga community and school-based sites, medical checkups, pamimigay ng gamot, mga wheelchair at kung ano-ano pa. Maraming salamat sa ating mga kasama sa mga LGU, DepEd at siyempre ang DOH at saka PhilHealth. Maraming salamat sa ating mga volunteer na napakasipag.
Sumatotal ay nasa 175,565 beneficiaries ang napaligaya natin sa humigit-kumulang na 282 participating sites. Kaya naman marami tayong natanggap na sulat ng pasasalamat mula sa ating mga kababayan.
Gusto kong marinig ninyo ang ilan sa mga ito. Ito ang isa: Dear President BBM, Happy Birthday Bongbong. Thank you sa food at sa free bill. Ako po ay may sakit na leukemia. Sana po ay gumaling kayo. God bless po.
Dear President PBBM, kung makarating man ito sa inyo, maraming salamat, maraming puwedeng gawin sa inyong kaarawan pero pinili mong makapagbahagi sa mamamayang Pilipino. Sana’y patnubayan ka ng Maykapal at palaging piliin ang tama, hindi lang ang dapat.
Happy birthday.
Napaka-good advice naman ‘yan. Maraming salamat po sa inyong sulat.
To our beloved President PBBM, Happy birthday, dear President. Thank you for all you have done for our country. I believe in you. Thank you for consecrating the Philippines to Our Lady of Guadalupe and Divine Mercy. From Raquel Lim.
Oo nga, napakalaking bagay ‘yung ating pag-consecrate ng Our Lady of Guadalupe rito. At ito’y makakatulong sa ating lahat. Maraming salamat.
To PBBM, have a blessed happy birthday to you. Wishing you good health and sound mind to overcome all the obstacles that surrounds your leadership. I am still hopeful that you can succeed in your efforts to help build the nation and make our country prosperous again. May God bless us. Respectfully yours, T.U.M.P./TUMP.
Maraming salamat. Oo tama, pare-pareho ang ating panalangin na tayo ay mabigyan ng Panginoon ng mas magandang Pilipinas. Maraming salamat sa lahat. Napakarami po. Hindi ko po mabasa lahat.
Kahit na hindi po nabasa ang inyong sulat, nagpapasalamat po ako sa inyo at ako’y natutuwa at nasisiyahan na ang ating munting pagbigay ng konting tulong sa inyo ay naramdaman naman ninyo at nabigyan kayo ng kahit kaunting ginhawa.
Buwan ng September ay ang buwan ng kapanganakan namin dalawa ng kapatid kong si Irene. Ito rin ang buwan ng kapanganakan ng aking ama. Pero isa pang kapamilya na rin, ang turing naming nagdidiwang ng kanyang birthday. Baka naaalala ninyo sa dati naming mga vlog, siya si Tata Willy, ang nagdiriwang ng kanyang 89th birthday.
Lingid sa kaalaman ninyo, si Tata Willy ay photographer pa ng aking ama. Naging photographer na rin namin ngayon. Lagi namin siyang kasama kahit saan. Lahat ng pinagdaanan namin sa Pamilya Marcos ay nandiyan siya. Kasi nagsimula siya sa Palasyo, tinanong ko nga sa kanya, hindi na niya maalala – ganun katagal.
Kahit na nung pagkatapos na matapos ang termino ng aking ama at wala na kami sa Palasyo,
sumama pa rin sa amin. Pagbalik ko naman sa Palasyo, nandyan na naman siya. Kaya lahat na lang nang dinaan na namin, nandyan si Tata Willy.
Ang birthday wish niyo para kay Tata Willy – another 100 years, Tata Willy.
—END—