Mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa inyong lahat. Ito ay isa pang report na aking ibibigay tungkol sa mga imbestigasyon at kaso sa mga kuwestiyonableng flood control project na ating nakita.
Maibabalita ko po sa inyo na ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na.
Kaya in-instruction-an ko na ang Department of Foreign Affairs, pati ang PNP, na makipag-ugnayan sa ating mga embassies sa iba’t ibang bansa para tiyakin na hindi maaaring magtago itong ating hinahabol na magtago doon sa kanilang bansa. At kung sakali man ay siya ay pupunta roon, ay i-rereport sa atin para naman maibalik natin siya dito sa Pilipinas.
Kaugnay naman kay Sara Discaya, sumuko naman siya kahapon sa NBI at nasa kustodiya na siya ng NBI, hinihintay ang pormal na paglabas ng kanyang warrant of arrest.
Kaya nakikita po natin, maganda naman ang takbo ng proseso at ‘yung ating mga hinihinalang kasama dito sa ganitong klaseng sindikato ay haharap sa hustisya.
Asahan po ninyo na patuloy pa rin ang ating imbestigasyon, patuloy pa rin ang ating pagpila ng mga kaso upang tiyakin na ang mga guilty dito sa ganitong klaseng iskandalo ay haharap sa batas, at bukod diyan ay maibalik ang ninakaw na pera sa taong-bayan.
Maraming salamat po. Magandang araw po.
— END —