Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to the Areas Affected by Typhoon Marce in Ilocos Norte
[Ilocano] Congressman Sandro Marcos [Ilocano]
Hindi ko na po ipapakilala, babatiin ko na lang [Ilocano]
Ah, you did not introduce – sinama ko na po. Nandito po pinakilala na po ni Congressman Sandro ‘yung ating mga Cabinet member at lagi kong… Kung minsan tinatanong po sa akin kung bakit nagdadala, bakit sila sumasama.
Well, unang-una pumupunta kami pagka ‘yung tinamaan ng bagyo o tinamaan ng kahit na anong klaseng disaster, pinupuntahan ko talaga ‘yan dahil kailangan kong makita kung ano ba talaga.
Marami naman lahat naman ng ating mga ahensya ay mabilis mag-report at tama, maganda naman ang kanilang report. Ngunit naiba na na nakapunta ako rito, kausapin ko ‘yung mga mayors, nakausap ko ‘yung principal nung national high school eh para malaman talaga what it is needed.
Ngayon, sinasama ko nga ‘yung ating mga Cabinet secretary dahil ang aking pag-iisip ay sinasabi ko ang ganitong klaseng problema hindi kayang masolusyonan ng isang department lamang. Kailangan magtulong-tulongan ang mga departamento. Kaya’t nandito po ang ating mga Cabinet secretary: Cabinet secretary sa DPWH [Ilocano] ni Secretary Manny Bonoan [applause]; nandiyan din si Secretary Sonny Angara; Secretary Rex Gatchalian.
At sinama ko na rin at kumpleto – talaga naman pagka Ilocos Norte iba itong… Itong mga anak ko sila ang nag-volunteer na pupunta sila kaya sinama ko na. Nandiyan si Congressman Sandro; itong pangalawa namin si Simon, Simon Marcos; [applause] at ‘yung aming bunso na itong pinakamalaki sa pamilya pero bunso ito, si Vincent, Vincent Marcos. [applause]
Mabuti na at nakikita nila dahil kagaya ng aking nasabi, iba ‘yung nakikita mo sa television, nababalitaan mo sa radyo, nababasa mo lang sa reports. Kundi kailangan eh malaman nila kung ano ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan.
Galing lang kami sa Buguey sa Cagayan at malakas din ang tama. At ang naging problema nitong bagyong ito, nitong Marce, hindi gaano ang baha, hindi gaano ang tubig. Ang problema ‘yung malakas na malakas na hangin. Kaya’t mabuti naman hindi tayo tinamaan kagaya ng sa Cagayan, sa Buguey ay talagang napakaraming nasira. Hindi lamang mga infrastructure, kung hindi ang mga bahay na ‘yung mga bubong ay nilipad.
Kaya’t dito parang ganoon din pero hindi kasing bigat nung aming nakita sa Cagayan. Kaya’t magpasalamat tayo.
Ito po ay kung makikita ninyo ‘yung aking sinasabi hindi lamang isang departamento ang magbibigay – ang kailangan tumulong kapagka mayroon tayong mga disaster na ganito. Kaya’t kung titingnan po ninyo, itong bigas, galing po ito sa Department of Agriculture. Itong ating mga food pack, galing po ito sa DSWD. [applause]
Mayroong pang mga seedling, galing naman ‘yan sa DA. ‘Yung nakikita ninyong puti, that’s a sanitation kit, galing naman ‘yan sa PCSO. Kaya’t pinagsasama-sama namin lahat ng may kakayahan na tumulong para sila’y tumulong.
Isasama ko na rin doon, hindi lamang ang mga ahensya ng gobyerno ngunit kailangan din natin magpasalamat at alalahanin ang mga kaibigan natin sa private sector. Kasi naman, kitang-kita mo ang ugali ng Pilipino, kapag may bagyo, pagka may sakuna, at nakita natin, nakikita ng mga kababayan natin, kahit wala sila sa gobyerno, nagbibigay kaagad ng tulong.
Kaya’t — kaya’t naman ay marami tayong pasasalamat sa kanila dahil marami talaga silang natutulungan at hindi… Kung ano… Laging sila pa ang lumalapit sa amin na kung ano ang kailangan ninyo na mayroon kami sa inyo na. Mga canned goods, mga iba’t ibang gamit, ‘yung pagka reconstruction, ‘yung mga yero, ‘yung mga dos por dos na para aayusin natin ang mga bahay. ‘Yun ang mga — lahat po ‘yan.
Eh lahat ‘yan pinagsasama-sama namin. Kaya po ang tawag namin diyan, unang-una sa pamahalaan, whole-of-government approach. Ibig sabihin, lahat ng gobyerno, sabay-sabay tumutulong. At kagaya — sinasabi na nga natin, kasama ang private sector, ibig sabihin niyan whole-of-nation approach na. Hindi lamang pamahalaan, kung hindi lahat ng handang tumulong ay sinasama namin sa — para pagtulong sa ating mga kababayan.
Ngayon ang naging… Nanggaling kami doon sa seawall sa tabi ng National High School at sinasabi ko nga kay Mayor Benemerito, matagal na, unang beses ko pa naging Governor, problema na ‘yang seawall na ‘yan.
Pero noon, noong una naming nilagay na seawall, ang layo pa ng dagat. Kaya’t kailangan talaga tayo mag-adjust. So, mayroon tayong kaunting infrastructure na nasira. Mabuti na lang ‘yung seawall na ‘yan in process ‘yan, ginagawa na talaga ‘yan. Kung makita ninyo, may daan na sa – may parang seawall pero ‘yung bago mayroon ng kalsada sa taas. At ‘yun na lang ang itutuloy natin.
Mabuti naman eh doon pa lang, doon pa lang noong tinitingnan namin ‘yung seawall, eh nakita na namin kung saan tayo puwedeng kumuha ng pondo, kung saan tayo – ano ‘yung gagawin natin. Ibi-bid na pala in two weeks? Three weeks? Ibi-bid na pala ‘yung project niyan, itutuloy na kaya’t mabilis. [applause] Hindi na tayo dadaan sa paghanap ng pondo, sa pag-appropriate at ginagawa na talaga kaya’t itutuloy na lang natin.
Sumunod, doon din sa National High School. Kaya’t kasama natin si Secretary Sonny Angara ng DepEd ay tiningnan naman namin ‘yung sira sa mga school room. At iyon na nga hinahanapan namin ng para mabilis natin maayos para makabalik ang mga bata, para makapasok ulit, makabalik sa eskwela.
At mayroon tayong mga kung ano-anong paraan. Siyempre pinakamaganda maayos natin ‘yung classroom. Kung hindi pa kayang ayusin ‘yung classroom, mayroon silang ginagawa na alternative learning space [Is that what it’s called?] yeah, alternative learning space kung saan nililipat muna ‘yung mga bata para lang makapag-aral. So, ‘yun ang aming mga stratehiya para tulungan, lalo na ang mga bata, ‘yung mga anak natin.
Ang DSWD naman dahil marami nang umalis sa evacuation center, marami nang umalis sa evacuation center pero lumipat lang sila sa mga kaibigan nila, sa mga kamag-anak nila. So, kahit na wala na sila sa evacuation center, susuportahan pa rin ng DSWD ang kanilang ganitong mga food pack [applause] hanggang hindi na nila kailangan.
At iyan po, kaya po ako pumunta rito para makita kung maayos naman. Mukha namang maayos ang pag-distribute. Mukha namang na-identify – ang LGU nakapagbigay kaagad ng listahan ng mga nangangailangan ng tulong, nangangailangan ng relief. Ang numero na kung ilan ang naging evacuees, ilan ang displaced na kailangan pa ring bigyan nitong ating – ng ating… Lahat ng ito: itong bigas, itong food pack, pati na ‘yung sanitation kit.
At ipapagpatuloy namin ito hangga’t ‘yung mga na-displace at napilitang tumakbo at makitira sa kanilang mga kapit-bahay ay ‘yun na muna, tuloy-tuloy pa rin ang aming ibibigay na tulong hangga’t – kagaya ng aking nabanggit – ay hindi na kailangan.
So, iyon lang po. At mayroon din tayong ibibigay sa mga tinamaan na mga bayan at para makatulong naman. Kasi kung minsan hindi sapat itong aming dala at may ibang pangangai… Bawat pamilya may — iba-iba ang pangangailangan eh. So, kahit may pagkain na, kahit na may bigas na, kahit na may sanitation kit, may gamot na, mayroon pa rin pangangailangan. Kaya’t iiwan na namin sa LGU ‘yan dahil mas nalalaman ninyo kung papaano ang [applause] pag-distribute nung aming daldalhin na tulong.
Ayun lang naman po at siyempre… Tinatagalan ko ‘yung speech ko kasi ayaw ko pang umalis ng Ilocos Norte. [laughter and applause] Usually ‘yung speech ko sandali lang ‘yan eh pero nandito ako para ma-delay nang kaunti ang pagbalik sa Maynila. Dito muna ako kasama ninyo.
Anyway, nandito lang po kami para tingnan na maganda ang pagbigay ng tulong. At kung mayroon pa kayong ibang pangangailangan, nandiyan po ang ating LGU, nandiyan ang provincial government, nandiyan din po ang mga ahensya ng gobyerno, lapitan niyo lang po at lahat ng maaari naming gawin ay gagawin namin para ‘yung tulong na hinihingi ninyo sa national government, ‘yung tulong na hinihingi ninyo para maging maayos na ang inyong pamumuhay, gagawin po natin lahat ‘yan.
Thank you very much. [Ilocano] [applause]
— END —